Album

UP Manila University Library

Nofilter pokus at mga anggulo sa Selfie culture || Article by Karel Galang, The Manila Collegian Vol. 27 No. 2 || "Ngunit may double-standard ang lipunan......minsan, nakabatay pa rin sa laman ng bulsa mo at sa kinis ng mukha mo kung paano ka huhusgahan. Kapag medyo mukhang disente at mayaman, 'vain' lang yan. Kapag medyo mukhang dukha, 'jejemon' yan. Sa panahon ngayon, ang bawat selfie ay may katumbas na kapal ng mukha at matinding pagmamahal sa sarili. Tila pose lang tayo nang pose, hanggang sa makita natin ang positibo at magandang anggulo ng buhay....... ang ating henerasyon ay may angking yabang, aminin man natin o hindi. Gusto nating ipakita na nakakaangat tayo sa iba dahil naranasan natin ang mga bagay na hindi naranasan ng ibang tao; At malinaw itong ipinapakita sa ating mga larawan. Sino nga naman ang magse-selfie na ang kasama ay isang platong pagpag o kaya naman ay nagpapasko sa gitna ng kalsada? At sino din ang magpipiktyur habang naliligo sa dagat ng basura?"